Kapag sinabing gulay, madalas ang una mong maiisip ay ginisa o sinabawang recipe. ‘Yun kasi ang nakasanayan ng marami sa atin. Pero alam mo ba, ang isang gulay ay pwedeng lutuin sa tatlong iba’t-ibang paraan. Yes, tama ang nabasa mo! Ito na rin ang chance mo para i-transform ang boring veggies into something magical!
Sa tulong ng MAGGI®, tuturuan ka naming pasarapin pa lalo ang sitaw, talong, at kangkong. Ito ‘yung mga gulay na bukod sa mura at masustansya, flexible din sa iba’t-ibang style ng pagluluto! Kaya ano pang hinihintay mo, ’t tingnan natin ang mga recipes na magpapabusog sa iyong buong pamilya:
1. Sitaw in 3 Different Ways!
Stir Fried Sitaw with Ground Pork: Comforting. Ganyan maid-describe ang recipe na ito. Bukod kasi sa masarap, madaling lang itong lutuin at iilan lang ang ingredients na kailangan. Basta’t may sitaw, kamatis, oyster sauce, at kaunting karne—may ulam ka na in an instant. Para mas mabilis pa ang pagluluto, magbudbod lang ng MAGGI® Magic Sarap na siksik sa gisa flavors!
Adobong Sitaw: Oh ‘wag malilito ah. Magkaiba ang stir-fry sa adobo-style. Dito gagamit tayo ng toyo para tulungang palabasin ang flavors ng sitaw. Para balanse ang linamnam, magdagdag lang ng MAGGI® Magic Sarap!
Ginataang Sitaw at Kalabasa: From soy-based recipes, maiba naman tayo! Ang ginataang ay isa sa paboritong style ng mga Pilipino dahil sa creaminess at tamis na hatid ng gata. Kaya swak din itong ihalo sa sitaw na sumisipsip sa flavors ng coconut. At para extra magical, budburan lang ng MAGGI® Magic Sarap para mas malasahan ang gisa flavors.
2. Isang Talong, Tatlong Recipes
Tortang Talong: Magsisimula tayo sa classic dish na nile-level up ang simpleng talong at itlog. Iihaw mo lang ang talong, iprito kasama ang itlog, at i-season ng MAGGI® Magic Sarap—solb na ang buong pamilya mo!
Talong Stir Fry: Naghahanap ka ba ng flavorful twist? Subukan mo ang stir-fry na ito! Magandang gawin base dish ito dahil lalagyan mo lang ng oyster sauce, ground pork, chopped veggies, at MAGGI® Magic Sarap, meron ka nang yummy, protein-packed dish para sa buong pamilya in less than 1 hour.
Adobong Talong: Kung bet mo naman ang mas healthy, tender, at creamy version ng adobo, must-try ito! Dahil parang "sponge" ang talong, mabilis nitong ina-absorb ang mga flavor kaya ang bawat kagat ay may concentrated burst ng adobo marinade. I-season mo lang ito gamit ng MAGGI® Magic Sarap, at may adobo ka na in less than 30 minutes!
3. Kangkong All the Way
Sinina Kamu Kangkong: Kapag narinig mo ang “sinina”, ang unang pumapasok sa isip mo ay beef. But this dish is here to change the game. Imbes na karne, kangkong ang bida ng Maguindanaon-inspired dish na ito. Ang crispiness at fresh taste ng kangkong ay swak sa malinamnam na sauce na may kasamang magic ng MAGGI® Magic Sarap.
Adobong Kangkong: Para sa mga adobo lovers dyan, para sa inyo ‘tong last adobo recipe! Kung naghahanap ka ng mas light at fresh na adobo, this is your new go-to. Bukod sa pagiging mas healthy at mas sulit, mas mabilis ding lutuin ang kangkong kumpara sa karne. Hindi mo na kailangan maglaan ng mahigit isang oras para makapagluto ng adobo para sa pamilya.
Oyster Kangkong with Tofu: For our last recipe, may bagong ingredient tayo na gagamitin—tofu. Swak ang tofu at kangkong sa isa’t-isa dahil sa kakaibang textures nito at absorbent quality. Magdagdag lang tayo ng oyster sauce at MAGGI® Magic Sarap, may bagong magical dish ka nang nakakatakam.
The Magical Three with MAGGI®
Oh, ‘di ba? Marami kang magagawa sa sitaw, talong, at kangkong! Stir-fried o adobo-style man, pwedeng-pwede niyong subukan ang mga ito at marami pang iba!
All you need are the right ingredients and MAGGI® Magic Sarap, at meron ka nang iba’t ibang flavorful dishes na easy-to-cook at swak na swak sa cravings ng pamilya.
Get more recipes here.