Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

3 Magical Tinola Recipes For All Seasons

5min
Tinola Banner

Naghahanap ka ba ng ulam na swak sa kahit anong panahon? Good news! Hindi lang isa, kundi tatlong klaseng tinola ang puwede mong pagpilian. Tag-ulan man, malamig ang panahon, o simpleng craving lang ng pamilya, ang tinola ay laging hatid ang sarap-sustansya na nakakapagpainit ng tahanan. 
 
Sa bawat higop ng mainit na sabaw, gulay, at linamnam, may hatid itong ginhawa at mainit na hagod na dama ng buong pamilya. 

Ang mga recipes na ito ay siksik sa sarap sustansya at mabilis lang lutuin, thanks to MAGGI® Magic Sarap! Hindi mo na kailangang mag-alala kung anong recipe ang lulutuin. Ready ka na bang subukan ang mga magical recipe na ‘to?

Ocean in a Bowl: Tinolang Isda 

Did you know? Ang Tinolang Isda ay sinasabing nagmula pa sa Visayas at Mindanao noong pre-colonial times. Hango ito sa salitang Bisaya na tinuwa, na tumutukoy sa sabaw na may isda. Noon, simple lang ang luto: pinapakuluan ang sariwang huli sa tubig-tabang o tubig-dagat, kasama ang luya at kamatis para lumabas ang natural na linamnam ng isda. 

Ngayon, mas pinasarap pa ang dish na ito with siling pansigang, na nagbibigay ng asim-anghang na kick sa mainit at mabangong sabaw. Tapos, meron pa itong malasugi na malambot, siksik sa laman, at sakto sa bawat higop. Sa loob ng 30 minutes, may light, masustansya, at malinamnam na ulam ka na for the whole family. 

Kung naghahanap ka ng mas magaang twist sa classic tinola, try mo na ang Tinolang Isda

The OG Comfort: Classic Chicken Tinola  

Ito ang classic Chicken Tinola—familiar, reliable, at perfect pagpapasaya at pagpapagaan ng loob.  

Alam mo ba na higit pa sa masarap na ulam ang tinola? Noon pa, naniniwala na ang tinolang native na manok ay hindi lang pampalakas ng katawan – sabaw pa lang, pangtaboy na raw ng malas! At totoo naman, dahil sa bawat higop mo ng sabaw na may bango ng luya, nakakakuha ka ng siksik na protein mula sa manok. Dagdagan mo pa ng papaya at malunggay na punong-puno ng vitamins at iron para sa iyong immunity at digestion. Ito ang pagkaing ubod ng namnam at nutrients!  

Sa loob lang ng isang oras, may Classic Chicken Tinola ka na na magpapakita ng classic love mo para sa pamilya.

The Modern Twist: Leftover Chicken Tinola Sliders  

May natirang tinola kagabi? Huwag itapon – gawin itong Western-style snack para sa mga picky-eater sa bahay!   

Himayin lang ang natirang manok. Dahil galing ito sa tinola, punong-puno na ito ng lasa at nutrients. Haluan ito ng mayonnaise para maging super moist at creamy ang chicken filling natin. I-palaman ito sa mainit at toasted pandesal para sa perfect Filipino twist.  

For sure, hihingiin ulit ito ng mga bata! Portable, bone-free, at siksik ng nutrients – ang bagong paboritong merienda ng pamilya. I-try na dito!

 

And the Tinola of This Season is... 

Kahit aling recipe pa ang piliin mo ngayon, certified wagi ka sa kusina gamit ang MAGGI® Magic Sarap. Sobrang sarap balik-balikan ng kultura sa bawat mangkok ng tinola. Anuman ang panahon, kayang-kaya mong ibigay ang sarap na hahanap-hanapin nila (kahit ang mga kapamilya mong mapili sa pagkain).  

Pero bago natin simulan ang pagluto, sagutin muna ang pinakamahalagang tanong: Sayote o Papaya? Anong ilalagay mo sa tinola mo?