Mahilig ka ba sa adobo? Mahilig ka din ba sa gulay? Kung oo, panigurado ay pamilyar ka sa mga recipes tulad ng Adobong Kangkong o Adobong Sitaw. Staple na ‘yan pagdating sa hapagkainan nating mga Pinoy. Pero bukod sa mga lutuing ‘yan, marami pang vegetables ang pwedeng pasarapin gamit ang adobo-style cooking!
Sa tulong ng MAGGI®, tuturuan ka naming lutuin ang batong, labong, kangkong, pechay, at talong into adobo-style recipes. Lahat ng mga gulay na ito ay abot-kaya at madaling mahanap sa mga palengke, kaya no excuses para hindi sila subukan. By the end of this article, dapat ay may mapili ka nang the best adobong gulay for you! Game ka na sa challenge? Let’s cook with magic!