Pagdating sa pagluluto, “hindi pwede ang pwede na.” Sariwa at high-quality ingredients dapat ang gamit natin para lumabas ang tunay na sarap ng bawat recipe. Ang tanong, paano nga ba malalaman kung sariwa ang mga ingredients na binibili mo?
Isa sa mga pinaka-malaking expenses ng isang pamilya ay ang pagkain. Minsan para makatipid, nauuwi tayo sa ulam na mura pero bitin sa sustansiya o kaya lasa. Dahil dito, ang laging tanong nating mga nanay, “Ano na naman kaya ang lulutuin ko?”