Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Lutong Pamana: Authentic Ilocano Recipes from Northern Philippines You Can Cook at Home

10min
Lutong Pamana Banner

Sino ba ang hindi natatakam sa malutong na bagnet, umuusok na pinakbet, o maasim na sinanglaw? For sure, marami na tayong natikman na versions nito—mula sa carinderia, restaurants, o sarili nating kitchen experiments. 

Pero gaano nga ba kalapit ang lasa nito sa original? Yung ginamitan ng techniques na minana mula sa ibang generations? Madaling i-recreate, pero ang tunay na regional identity ng Norte ay nasa heirloom secrets ni Lola. Kaya tara, balikan natin ang sarap ng Northern Luzon dishes! 

Learning the Art of “No-Sandok” Pinakbet! 

Para sa mga Pinakbet purist, mortal sin ang pag-gamit ng bagoong alamang (shrimp paste) at madaming tubig.

 
Ang traditional practice dito ay ang patong-patong na paglalagay ng sariwang gulay tulad ng ampalaya, sitaw, talong, at okra sa ibabaw ng kamatis, sibuyas, at bagoong isda. Sa mahinang apoy, ginagawa ang “pag-imbay”—ang marahang pag-shake at pag-ikot ng palayok para dahan-dahang maghalo ang mga sangkap. Bawal ang sandok! Ito ang sikreto para hindi maging sobrang mapait ang katas ng ampalaya at hindi madurog ang mga gulay habang niluluto ang mga ito sa sarili nilang natural flavors. 

 

Make it yourself: I-substitute ang traditional palayok with a deep non-stick skillet o kaya modern casserole pot na may mahigpit na takip. Dahil bawal ang mag-sandok, you can sprinkle  MAGGI® Magic Sarap® over the veggie layers bago takpan at i-shake ang pot. Matutunaw ito kasabay ng natural moisture ng gulay at bagoong isda, locking in a deep, balanced umami flavor in every layer without breaking the veggies!

Check out our Pinakbet recipe here!   
 

Decoding the Authentic Ilocos Dinakdakan! 

Natikman mo na ba ang dinakdakan na may mayonnaise para maging creamy? Well, modern twist na ‘yan!  
 
Kung babalikan natin ang heirloom recipe ni Lola, ang creamy texture nito ay nagmumula sa nilagang utak ng baboy na minasa nang pino at hinaluan ng lokal na sukang Iloko. Maingat itong niluluto bago ihawin sa nagbabagang uling para magbigay ng smoky flavor. May anghang, asim, at linamnam itong talaga namang nakakagising ng panlasa. Kaya talagang mapapa-extra rice ka! 

 

Make it yourself: Kung naghahanap ka ng easy, creamy substitute para sa traditional pig’s brain puwede kang gumamit ng mayonnaise o all-purpose cream na hinaluan ng pisil ng calamansi, kaunting suka, MAGGI Savor, at MAGGI® Magic Sarap®. Sobrang bilis gawin, pero nandun pa rin ang rich, tangy, at smoky excitement sa bawat kagat! 
 
Check out our Dinakdakan recipe here! 

Mastering the Bitter Kick of Papaitan!

Ang paggawa ng Papaitan ay isa sa ultimate test sa kusina, especially for young cooks. Yun ay dahil mahirap timplahin ang bitterness nito, without overpowering the other flavors.  
 
Ang secret ni Lola para sa malinis at swabeng pait ay ang pagpapakulo ng apdo (bile) with lots of ginger and chili, bago ihalo sa ginisang laman-loob. Patience is a virtue when making Papaitan. lalo na sa paglilinis at pagpapatuyo ng karne bago igisa para tanggal-lansa. And voila! Meron ka nang smooth Papaitan broth na perfect pampainit sa malamig na gabi  
 
Make it yourself: Para lalong mas sumarap ang Papaitan broth, try adding MAGGI® Magic Sarap® while simmering the soup. Bina-balance nito ang pait at anghang, turning that bitter kick into a deeply satisfying, smooth umami richness! 
 

Check out our Papaitan recipe here!

Swimming in Umami with Dinengdeng!

Isa sa best-kept secret ingredient ng Norte ay ang Sagut—native bagoong na may maliliit na isda na hinayaang mag-ferment sa tradtional na clay pot.  
 
Kapag gumagawa ng authentic Dinengdeng, pinapakuluan muna ang sabaw kasama ang Sagut at inihaw o prinitong isda, bago dagdagan ng fresh squash blossoms. It’s a simple but flavorful dish that pairs salty bagoong with sweet, crisp veggies! 
 

Make it yourself: To get that clean, flavorful broth with your Dinendeng, magdagdag ng MAGGI® Magic Sarap® with your Sagut (or any other bagoong isda).  
 
Check out our Dinengdeng recipe here!

Pamana Recipes Made Easier with MAGGI® 

Mula sa mausok na Pinakbet hanggang sa malinamnam na Papaitan, napatunayan nating hindi kailangang maging kumplikado ang masarap na pagkain. Kahit busy ka o bago pa lang sa kusina, kayang-kaya mong magluto ng legit Northern dishes sa tulong ng MAGGI® Magic Sarap®! Ito ang perfect kitchen ally para makuha ang authentic linamnam at lasa ng mga pamana dishes ni Lola. Modern convenience meets traditional taste with MAGGI®!