Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Paano Mahikayat ang Bata Kumain ng Gulay: 5 Masarap na Gulay Recipes na Magugustuhan ng Kids

5min
Paano Mahikayat ang Bata Kumain ng Gulay: 5 Masarap na Gulay Recipes na Magugustuhan ng Kids

Sino dito ang may mga anak na nagpapaluto ng hotdog or nagpapaprito ng sunny side up kapag gulay ang nakahain sa lamesa? Naku, maraming batang ganyan! Pero dahil mahalaga ang gulay para kalusugan nila, kailangan talaga nating pilitin sila na kumain nito.

Ang tanong, hindi ba talaga nila gusto ang lasa ng gulay o baka naman sawa na sila sa mga pangkaraniwang luto nito? Buti na lang nandito ang MAGGI® para tulungan kang mag-add ng magic sa iyong lutuin para magustuhan ng mga kids! Naghanda kami ng 5 fun and delicious veggies recipes na made for kids! 

1. Kid's Pick: Baked Pasta with Cauliflower and Broccoli.

Spaghetti, carbonara, pansit, o palabok. Madalas ‘yan ang present sa mga birthday parties o salu-salo ng pamilya. Kaya nga pati ang mga bata, ‘yan na lagi ang hinahanap-hanap. So why not give it to them with a twist? Siguradong matatakam agad ang anak mo sa recipe na ito!

Hindi masdayong naiiba ang baked pasta na ito sa nakagawiang pasta.  Dadagdagan lang natin ito ng masarap at masustansyang gulay tulad ng cauliflower at broccoli. Samahan ng NESTLÉ® All Purpose Cream, mozzarella, at cheddar para maging creamy at cheesy! Don’t forget budburan Maggi Magic Sarap for extra linamnam. Naku, siguradong pag-aagawan ito kahit pihikan sila sa pagkain!

2. Healthy Hambugers made with Tortang Talong Patties

Isa rin sa mga paborito ng kids ay ang burgers! Kung tutuusin, karamihan ng burgers ay may kasama nang gulay tulad ng lettuce, onions, pickles, at iba pa. This time, gagawin lang nating mas Magical at mas healthy–-hamburger made with tortang talong patties!

Ihahalo lang natin ang tostadong talong sa pork giniling, onion, garlic, at egg. Siyempre ‘wag kalimutan i-season gamit ang Maggi Magic Sarap at ready na i-prito! I-assemble with buns, iba’t-ibang toppings, dressing, at pwede na i-serve.

3. Filipino Favorite Made Healthy: Veggie Lumpia

Isa sa mga favorite na luto ng kids ay pinirito tulad ng fried chicken, hotdogs, fried eggs. Kaya naman hindi maipagkakaila na magugustuhan din ito ng mga kids! Ibahin lang natin ang core ingredient ng classic lumpia. This time, imbis na pork giniling ang laman papalitan lang natin ng sibuyas, tokwa, bean sprouts, at cabbage.

I-prito lang gaya ng usual na lumpia hanggang sa maging golden brown at i-serve kasama ng paborito niyong sawsawan at ready na ang inyong veggie lumpia!

4. Vegetable Fritters Para sa Masustansyang Miryenda

Lipat naman tayo sa healthy vegetable snack na masarap at madaling gawin kaya bagay na bagay sa afternoon merienda–vegetable fritters! 

Pagsamahin lang ang carrots, sweet potatoes, corn, red onion at spring onions at i-season ng Maggi Magic Sarap at ihalo ito sa batter. Pagkatapos nito, i-prito lang for 3-4 minutes at ready na i-serve!

5. Makulay at Masarap na Buttered Vegetables

Ang buttered vegetables ay isang classic vegetable dish na masarap at madaling gawin! Sauté garlic in butter at idagdag ang gulay tulad ng carrots, green beans, broccoli, cauliflower and corn. Siyempre ‘wag natin kalimutan i-season gamit ang Maggi Magic Sarap! Lutuin lang for 2 minutes at samahan ng quail eggs, pwede na ito i-serve!

Magugustuhan ito sa mga kids dahil sobrang makulay nito na may irresistible aroma! Bagay na bagay bilang side dish sa paborito niyong protein tulad ng chicken or beef o kaya naman bilang main dish ka-partner ng kanin!

 

Mas Masarap ang Gulay When You Add a Little Bit of Magic

Hindi kailangan maging araw-araw ang struggle sa pagpapakain ng gulay sa ating mga kids! Minsan, konting creativity lang sa pagluluto at kaunting Magic ang kailangan para mas maging excited sila every time na maghahain na tayo ng gulay sa lamesa.

Subukan ang mga recipes na ito kasama ang inyong ka-partner sa pagluluto, MAGGI, at baka magulat ka nalang na humingi pa ng second serving ang iyong little picky eater! 

For more recipes and magical tips, visit www.nestlegoodnes.com!